39 pasyenteng nalason dahil sa ininom na lambanog, inoobserbahan pa rin sa PGH

Nabawasan na ang bilang ng mga pasyenteng nasa Philippine General Hospital (PGH) na nalason dahil sa ininom na lambanog sa Rizal, Laguna.

Sa pinakahuling tala ng PGH, kabuuang 39 na lang na biktima ang naka-confine sa pagamutan.

Labing -dalawa sa mga ito ay nasa emergency room matapos mailipat na sa ward.

Mas mababa ito kumpara sa 24 noong Miyerkules.

Umaabot naman sa 26 ang nanatili sa  ward habang may isa ang inoobserbahan sa ICU.

Una nang inihayag ng Food and Drugs Administration (FDA) na nagpositibo sa mataas na lebel ng methanol ang limang samples ng lambanog na nakolekta mula sa Rizal, Laguna.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us: