Unang batch ng mga Health workers sa Tumauini, Isabela, nabakunahan na kontra Covid-19

Umabot sa 40 Healthcare workers sa bayan ng Tumauini, Isabela ang nabakunahan na ng Sinovac anti Covid-19 vaccine.

Ayon kay Dr. Pantaleon Pacis, Municipal Health Office Head, dumaan muna sa screening ang mga nabakunahan.

Unang nabakunahan si Dr. Janet Bacani, ang Chief Doctor ng Tumauini Community hospital.

Susunos na babakunahan ang lahat ng Medical staff ng ospital at frontliners.

Patuloy naman ang paalala ni Mayor Arnold Bautista sa mga residente na patuloy pa ring mag-ingat kahit may bakuna na at huwag magpaka-kampante dahil sa nananatiling banta ng Covid-19 Pandemic.

Ryan Flores, EBC Correspondent

Please follow and like us: