400 mga tindero sa Community market at grocery store sa Bacoor city, sumailalim sa swab test

Muling nagsagawa ng mass targeted Swab Testing ang City Health Office ng Bacoor Cavite sa ilang mga Barangay at subdivision sa siyudad. 


Umabot sa 400 katao ang isinailalim sa Swab test kabilang na ang mga tindero at tindera sa mga Community market at Grocery store sa kanilang lugar. 


Namahagi din ang CHO ng mga face shield sa mga nakasama sa swab testing.


Ayon sa pamunuan ng Bacoor City Health office, makatutulong ang mass targeted swab testing sa kanilang lungsod sa kampanya laban sa paglaganap ng Covid-19.


Una na ring nagsagawa ng mass targeted swab test ang City government of bacoor nitong mga nagdaang linggo kung saan umaabot na sa mahigit 2,000 ang sumailalim sa swab test sa Bacoor City.

Jet Hilario

Please follow and like us: