400 milyong pisong halaga ng iligal na droga nasabat sa isang warehouse sa Pasay City

Aabot sa higit 400 milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat ng Bureau of Customs – Port of NAIA katuwang ang iba pang law enforcement agencies sa isang warehouse sa Pasay City.

Ayon sa BOC, galing sa Guinea, Africa ang nasabing shipment.

Nabuking ang iligal na droga matapos magduda ang personnel ng BOC sa kahina hinalang imahe ng dumaan ito sa xray machine.

Matapos isalang sa physical examination, nakita na iligal na droga ang laman nito na umabot sa 58.93 kilo.

Kinumpirma naman ng Philippine Drug Enforcement Agency na shabu nga ang nasabat na kargamento.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang PDEA para matukoy ang consignee ng shipment.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *