50 kabahayan tinupok ng apoy sa sunog sa Malabon city , apat katao sugatan

Apat ang sugatan habang limampung bahay ang tinupok ng apoy sa sunog sa Malabon city kaninang umaga.

BFP Malabon

Nasa maayos na kundisyon na ang mga biktima na nasugatan dahil sa pagmamadaling ilikas ang kanilang gamit.

Ayon kay Capt Percious Gapason ng Malabon Fire Station, nagsimula ang sunog sa second floor sa bahay ng isang neri kaninang pasado alas diez ng umaga.

Sinasabing walang tao sa bahay kaya mabilis na kumalat ang apoy.

Aabot naman sa mahigit dalawang milyong piso ang halaga ng pinsala sa sunog.

Meanne Corvera

Please follow and like us: