50% ng targeted population sa CALABARZON, fully-vaccinated na laban sa COVID-19

Nakakumpleto na ng bakuna laban sa COVID-19 ang 50% ng targeted population sa CALABARZON.

Katumbas ito ng mahigit 5.77 milyong indibiduwal sa rehiyon mula sa 11.45 milyong projected population.

Pinakamarami sa fully-vaccinated ang mga kabilang sa A4 group o ang mga economic frontliners na nasa 2.37 milyon.

Batay pa sa pinakahuling datos sa COVID-19 Vaccination ng DOH CALABARZON, nakatanggap na ng unang dose ng bakuna ang halos 8.38 milyong katao.

Nasa 72,000 naman ang naturukan na ng booster shot sa Region IV-A.

Sa kabuuan ay lagpas 13.77 milyong doses ng bakuna ang naiturok sa CALABARZON habang 17.11 milyon ang natanggap nito na alokasyon ng COVID vaccines.

Moira Encina

Please follow and like us: