UK Foreign Secretary, Phillip Hammond nasa Pilipinas na!

Dumating na sa bansa ang State for Foreign and Commonwealth Affairs Secretary ng United Kingdom na si Phillip Hammond.

Isang press conference ang nakatakdang isagawa sa unang opisyal na pagbisita ng British Secretary dito sa Pilipinas.

Bago ang nasabing opisyal na pagbisita ng UK Secretary, nagkaroon na ng pulong sa pagitan niya at ni Philippines’ DFA Secretary Albert Del Rosario noong nakaraang taon, at kabilang sa kanilang napag-usapan ay ang paghahanda ng parehong bansa para sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng diplomatic relation ng mga nasabing bansa.

Nakatakda rin siyang magkaroon ng pulong kasama si Pangulong Benigno Aquino upang pag-usapan ang patuloy na paglago ng stratehiya sa pagitan ng Pilipinas at United Kingdom.

Please follow and like us: