58 bagong kaso ng Covid-19, naitala sa CALABARZON

Nakapagtala ng 58 bagong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON.

Sa pinakahuling datos ng DOH- Center for Health Development CALABARZON, aabot na 66,455 ang kabuuang kumpirmadong COVID case sa rehiyon matapos madagdagan ng 58.

Pero sa nasabing bilang ay 5,356 na lang ang aktibong kaso matapos gumaling na  59,272 at pumanaw ang 1,827 pasyente.

Pinakamaraming aktibong kaso sa Cavite na 1,715 at sumunod ang Laguna na 1,046.

Moira Encina

Please follow and like us: