6 na Barangay, binaha dahil sa magdamag na pag-ulan sa Lucena City

Anim na Barangay  sa Lungsod ng Lucena, Quezon  ang nakaranas ng matinding pagbaha dahil sa walang humpay na pag-ulan kagabi.

Kabilang sa binaha ang mga Barangay 4, 5, 6, 10, Dalahican at Market View.

Ayon kay  Lucena City Mayor Roderick Dondon Alcala, umabot sa 472 pamilya na may kabuang  1,300 indibiduwal  ang  naapektuhan  ng pagbaha pasado alas 2:00 ng madaling araw.

Kahapon ng umaga nang mag-umpisang tumaas ang tubig-baha sa nasabing mga lugar pero mabilis din itong bumaba.

Pero kaninang madaling araw nang muling tumaas ang tubig-baha  na nagbunsod upang  lumikas na sa kani-kanilang bahay ang mga residente.

Ang Lucena City ay napapaligiran ng dalawang malaking ilog, ang ilog Iyam at Dumacaa kaya madalas ang mga pagbaha.

Samantala, ang mga apektadong  pamilya ay kasalukuyang  nasa evacuation centers pa sa na patuloy namang binibigyan ng ayuda ng Lucena LGU at Quezon Provincial government sa  pangunguna ni Governor Danilo Suarez.

Allan Llaneta

Please follow and like us: