60 mga frontliner nabakunahan na ng Sinovac sa San Pablo City Laguna

Nabakunahan na rin sa San Pablo City Laguna ang nasa mga 60 na frontliner sa lungsod.

courtesy: C.I.O San Pablo City Laguna

Kasama din sa mga nakatanggap ng bakuna ay si San Pablo City Mayor Loreto S. Amante.

Ito ay para mahikayat ang kaniyang mga constituents na magpabakuna at huwag matakot sa covid 19 vaccine na inilaan ng pamahalaan para sa kanilang bayan.

Isinagawa ang Vaccination rollout sa San Pablo Central School Multi-purpose Gymnasium.

Bukod sa mga frontliner at alkalde ng San Pablo, kasama din sa mga nakatanggap ng Sinovac Vaccine ang ilan sa mga kawani ng BJMP at mga opisyal ng City Health office ng San Pablo Laguna.

Please follow and like us: