60 milyong pisong halaga ng smuggled na sigarilyo, nasabat sa Subic

Aabot sa 60 milyong pisong halaga ng smuggled na sigarilyo ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Subic sa Zambales.

Ayon sa BOC, ang kargamento ay magkahiwalay na dumating sa Port of SUBIC at naka consign sa BWFIC TRADING.

Idineklara ito bilang Steel Wire Mesh mula sa China.

Pero matapos ang ginawang physical examination ay nakita na ibat ibang brand pala ng sigarilyo ang laman nito.

Tiniyak naman ng BOC ang mahigpit na pagbabantay upang masiguro na walang makakalusot na mga smuggled na podukto sa bansa.

Madz Villar

Please follow and like us: