600 mga private school teachers tumanggap ng financial aid mula sa General Trias City Gov’t.

Aabot sa 600 mga private school teacher na mga lehitimong residente ng General Trias City Cavite ang nakatanggap ng financial aid mula sa kanilang City Government.


Pinagkalooban ang mga naturang guro ng tig P4,000.00 at grocery packs at food supplement mula sa LGU. 


Ito ay bahagi pa ng suportang ibinibigay ng Pamahalaang Lungsod ng General Trias sa sektor ng edukasyon sa kanilang lugar lalo na ang mga guro sa mga pribadong paaralaan na naapektuhan ng pandemiya na dulot ng Covid 19.

Ulat ni Jet Hilario

Please follow and like us: