64 barangays sa Pasay City, isinailalim sa granular lockdown

Umaabot sa 64 barangay sa lungsod ng Pasay ang naka- granular lockdown dahil sa mga kaso ng COVID-19.

Ayon pa sa Pasay City Public Information Office, lahat ng 201 barangays sa lungsod ay may aktibong kaso ng COVID.

Sa pinakahuling tala ng Pasay City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, kabuuang, 2,404 ang active cases ng sakit kung saan 338 ang bagong kaso ng mga nagpositibo.

Pinakamarami sa may active cases ay ang Brgy. 183 na 322.

Moira Encina

Please follow and like us: