6,943 bagong kaso ng Covid-19, naitala sa bansa ngayong araw

Umabot na sa 68,832 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa sa kasalukuyan.

Ito’y matapos na makapagtala ang Department of Health ng 6,943 bagong kaso ng COVID 19 sa bansa, habang 19,687 ang naitalang bagong gumaling.

May 86 namang naiulat na bagong nasawi dahil sa virus,kaya umabot na sa 40,761 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Sa ngayon ay 2,727,286 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 2,617,693 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: