7 pang overseas Filipino, nagpositibo sa Covid-19 pero recovery rate, tumaas – DFA

Nakapagtala ng pito pang karagdagang kaso ng Covid-19 ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa hanay Filipino abroad.

Sa latest data ng DFA, walang naitalang bagong mga nakarekober sa karamdaman at walang ring karagdagang pumanaw.

Pero ayon sa DFA, mas malaki ang bilang ng mga nakarekober sa Covid-19 na umabot sa 61.42% kumpara sa mga namatay na nasa 6.15% lamang at kasalukuyang ginagamot na nasa 32.43%.

Nananatiling ang Middle East and Africa ang mga rehiyong nananatiling may pinakamaraming kaso, recoveries at deaths.

Please follow and like us: