70 pakete ng hygiene kit mula sa OCD-NDRRMC, ipinagkaloob sa Tabuk city LGU

Nakatanggap ng 70 pakete na naglalaman ng hygiene kit, ang Tabuk city Local Government Unit (LGU), galing sa Office of Civil Defense – National Disaster Risk Reduction and Management Council (OCD-NDRRMC).

Bawat hygiene kit ay naglalaman ng toothpaste, toothbrush, shampoo, bath soap, hand towel, bath towel, hair comb, sanitary pads at laundry detergent.

Napapanahon ang mga nasabing item para sa mga taga LGU, upang patuloy nilang maisakatuparan ang health protocols gaya ng paghuhugas ng kamay, laging paliligo at iba pa, dahil patuloy pa ring lumalaban ang mga Tabukeños at umiiwas sa lumalaganap na pandemya ng sakit na COVID-19.

Ulat ni Esther Batnag

Please follow and like us: