76 patay sa pananalasa ng bagyong Agaton — NDRRMC

Umabot na sa pitumpu’t anim ang death toll sa pananalasa ng bagyong Agaton sa bansa.

Sa update na ipinalabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, ang mga nasawi ay mula sa Eastern Visayas , Davao Region at Western Visayas.

Habang may dalawamput siyam ang patuloy na nawawala at walong indibidwal ang nasugatan.

Dagdag pa ng ahensya aabot naman sa 920,727 na indibidwal o katumbas ng 279,557 na pamilya ang naapektuhan ng bagyo mula sa mga barangay sa Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, Caraga, at Bangsamoro.

Please follow and like us: