772 benepisyaryo, pinagkalooban ng P3,000 Pangkabuhayan COVID-19 Cash Assistance

Pinagkalooban ng tig P3,000 cash assistance ang 772 benepisyaryo ng Pangkabuhayan COVID-19 ng San Jose Del Monte (SJDM) Bulacan.

Bahagi ito ng Stimulus Program ng Pamahalaang Lungsod na ginagabayan ng tanggapan ng City Cooperative and Development Office at ng City Social Welfare and Development Office, upang makatulong sa mga San Joseñong may maliliit na negosyo na naapektuhan ng pandemya.

Isinagawa ang payout sa City Covered Court ng Barangay Poblacion, sa pangunguna ni Mayor Arthur Robes.

Nagpaalala naman ang punong lungsod sa mga mamamayan na patuloy na sumunod sa health protocols para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.

Ulat ni Cez Rodil

Please follow and like us: