8 katao, nagpositibo sa COVID-19 sa nagpapatuloy na Drive-thru swab testing ng Manila LGU

Sa nagpapatuloy na Drive-thru RT PCR testing sa Maynila, 8 katao na ang naitalang nagpositibo sa COVID-19.

Ito ay makalipas ang dalawang linggo mula ng buksan ang drive thru swab testing na matatagpuan sa Quirino Grandstand.

Ayon sa Manila Public Information Office, sa kabuuan ay nasa 654 na ang nakapagpa-swab sa nasabing drive thru testing center.

Ang mga magpopositibo rito ay ire-refer sa Quarantine facility para agad silang ma-isolate.

Libre ang pagpapaswab test rito at bukas rin ang testing center na ito residente man o hindi ng Maynila.

Para makapagpa-schedule, maaaring tumawag sa Manila Emergency Operation Center ng Manila Health Department sa mga numerong:

0905 242 3327, 0998 322 6367, 0963 602 3177 at 0955 587 5976.

Madz Moratillo

Please follow and like us: