80 katao, nalason umano matapos dumalo ng birthday celebration ni dating Unang Ginang Imelda Marcos sa Pasig City

Pinaiimbestigahan na ni Senador Imee Marcos ang umano;y pagkalason ng 80 katao na sinasabing nalason matapos umatend sa birthday celebration ng kaniyang ina na si dating first lady Imelda Marcos sa Pasig City.

Ayon kay Col. Rizalito Gapas, lumilitaw sa imbestigasyon na nakaranas ng pananakit ng tiyan ang mga biktima matapos ang selebrasyon.

Animnapu ay dinala sa Pasig city hospital habang ang iba pa ay naisugod sa iba pang pagamutan matapos mahilo at magsuka.

Hindi pa matukoy ang nag-cater pero sinabi ni Gapas na kasama sa sinusuri ang tubig na ininom ng mga biktima.

Tiniyak naman ni Marcos na mabibigyan ng tulong lalo na sa pagpapagamot ang mga biktima.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *