800 pang mga residente ng Bacoor city, Cavite, sumailalim sa swab test

Karagdagang 800 pang residente ng Bacoor city, Cavite ang sumailalim sa mass swab testing.


Isinagawa ang swab testing sa San Nicolas 3, Green valley covered court ng lunsod.


Pinangunahan ng mga opisyal ng City Health office ng lungsod, mga tauhan ng National Task Force on Covid-19 at mga Medical frontliner ang swab test.


Kasama din sa mga isinailalim sa swab testing ang mga tindero at tindera na may sa Bacoor City Public market na kamakailan lamang ay pansamantalang isinara matapos makapagtala ng kaso ng Covid-19.

Ulat ni Jet Hilario

Please follow and like us: