8888 Citizen Complaint Center maari nang magamit ng publiko sa pamamagitan ng Text Message.

Pwede nang magamit ng publiko sa pamamagitan ng text message ang 8888 hotline o ang Citizen Compliant Center ng pamahalaan para sa pagdulog ng reklamo at sumbong sa katiwalian ng mga opisyal ng gobyerno. 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, gumagana na ang 8888 text service platform sa kanilang 8888 Citizens’ Complaint Center. 

Bukas sa lahat ng network subscriber at libre ang pagtetext at pagsesend sa 8888 ng kanilang mga concerns, reklamo at mga hinaing na may kaugnayan sa graft and corrupt practices ng mga opisyal ng gobyerno o empleyado ng gobyerno.

Pwede ding isumbong sa 8888 ang mabagal na serbisyo at mabagal na pagtugon sa mga hinaing.

Jet Hilario

Please follow and like us: