9 na jail guards sa BI detention center, sinibak matapos makatakas ang 2 Koreanong bilanggo

 

Tinanggal sa pwesto ang siyam na jail guards sa Bureau of Immigration Detention Center sa Bicutan, Taguig City matapos makatakas ang dalawang Koreano.

Ayon sa BI, nakatakas ang dalawang dayuhan matapos na sirain ang kisame ng kanilang selda at makadaan sa rooftop hanggang sa makalabas sa bakod ng detention facility sa Camp Bagong Diwa.

Kinilala ang mga nakatakas na sina Park Wang Yeol, at Jung Jae Yul.

Kaugnay nito, inatasan ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang mga sinibak na jail guard na magpaliwanag sa loob ng 72 oras.

Pero iimbestigahan na rin aniya kung dawit ang mga jail guard sa pagtakas.

Binuo na rin ang isang fact-finding body na pamumunuan ni BI Legal Officer Atty. Henry Tubban para imbestigahan ang insidente.

Ulat ni : Moira Encina

Please follow and like us: