9 Pinoy na biktima ng human trafficking sa Laos, nakabalik na ng bansa
Nakauwi na sa bansa ang siyam na Pilipino na nasagip sa human trafficking scheme sa Laos.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), ang siyam ay kabilang sa 73 Pinoy human trafficking survivors mula sa mga sindikato na nasa Golden Triangle Special Economic Zone, Bokeo Province sa Laos.
Courtesy: DMW
Sinabi ng DMW na pinangakuan ang mga Pilipino ng trabaho bilang customer service representative sa Thailand, pero sila ay pinuwersa na maging scammers.
Nasagip ang mga Pinoy sa pagtutulungan ng mga miyembrong ahensya ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT).
Tiniyak ng DMW na pagkakalooban ng pinansyal na tulong, psycho-social support, at legal assistance.
Moira Encina-Cruz
Please follow and like us: