93 anyos na golfer,  naka hole-in-one makalipas ang 65 yrs na paglalaro ng Golf  

 

Ttinapos ng isang 93-anyos na Golf player, ang halos pitong dekada na niyang paglalaro ng golf, matapos ang kanuna-unahan niyang hole-in-one.

Nagawa ni Ben Bender ang kaniyang 152-yard third hole sa Green valley golf course, sa Zanesville sa pamamagitan ng isang 5-wood.

Ayon kay Bender, namangha siya sa kaniyang achievement nguni’t sinabayan ito ng pagsakit ng kaniyang balakang kaya napilitan siyang huminto matapos ang ilan pang holes.

Dahil dito ay dumiretso siya sa clubhouse at nagpasyang huminto na sa paglalaro  ng golf.

Ayon kay Bender, ayaw man niyang itigil ang paglalaro, alam niya na hindi naman siya pwedeng maglaro forever.

 

==============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *