San pedro square, naka-kordon na sa Davao City

Kinordonan ng mga  tauhan ang PNP ang  San Pedro Square kung saan isasagawa ang inagurasyon ni Vice president Elect Sara Duterte sa linggo.

Simula bukas June 18, alas tres ng hapon  isasara na sa publiko ang lugar.

Sinisimulan na ngayon ang pagtatayo ng malaking stage sa gilid ng Cityhall.

Maglalagay naman ng  malalaking led walls sa paligid ng Pedro square para sa mga taga Davao na hindi makakapasok sa inagurasyon.

Sa ngayon hindi na pinapayagan ang pagpasok ng mga Public Utility Vehicle papasok sa Cityhall.

Meanne Corvera

Please follow and like us: