37 patay, 69 missing sa sunog sa isang mall sa Russia

                                          photo credit: www.ndtv.com

Inaasahang madaragdagan pa ang mga namatay sa sunog sa isang shopping mall sa Siberian City, Kemerovo, Russia.

Ayon sa tagapagsalita ng firefighting agency, 69 pa ang nawawala na kinabibilangan ng 40 kabataan.

Nagsimula ang apoy sa top floor ng 4-storey building ng Winter Cherry shopping mall.

Mahigit 100 katao naman ang ginagamot ngayon sa ospital matapos ang insidente.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa sanhi ng nasabing sunog.

 

================

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *