400 kilo ng Cocaine, natagpuan sa Russian Embassy sa Argentina

Apatnaraang (400) kilo ng Cocaine ang nasabat ng mga otoridad matapos sakalayin ang Embahada ng Russia sa Buenos Aires, Argentina.

Ayon sa Security minister office ng Argentina, inaresto din nila ang limang miyembro ng Drug trafficking gang matapos madiskubre ang mga iligal na droga na nagkakahalaga ng 50 million dollars sa annex area ng embahada.

Ginagamit ng gang na sangkot sa iligal na droga ang Diplomatic Courier service ng Russian embassy para maibyahe ang mga iligal na droga patungong Europa.

Mismong ang Ambassador ng Russia sa Argentina ang nagbigay ng impormasyon sa mga otoridad makaraang matuklasan nila ang modus operandi noong Disyembre 2016.

Isinasama ang cocaine sa harina na nilagyan pa ng monitoring devices para mabantayan ang biyahe ng mga ito.

 

==========

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *