6.3 magnitude na lindol sa Iran, 634 na ang sugatan

Sumampa na sa 634 ang bilang ng mga sugatan sa 6.3 magnitude na lindol sa Western Iran.

Batay sa ulat, karamihan sa mga nasugatan ay nakalabas na ng mga pagamutan at walang naitalang namatay.

Niyanig ng lindol ang Sarpol-E-Zahab town sa Kermanshah province, malapit sa border ng Iraq.

Ito rin ang naging epicenter ng magnitude 7.3 na lindol noong nakalipas na taon na kumitil sa buhay ng 600 katao at ikinasugat ng mahigit 9,000.

Ang Iran ay kabilang sa mga bansa na nasa major seismic faults at nakakaranas ng madalas na pagyanig kada araw.

 

===========

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *