Death toll sa 6.9 magnitude na lindol sa Indonesia, umabot na sa 347

                                              photo credit: thedenverchannel.com

 

Umakyat na sa 347 ang bilang ng mga nasawi sa lindol  sa Indonesia.

165,000 naman ang bilang ng mga taong nagsilikas sa kanilang mga bahay dahil sa pinsalang dulot ng pagyanig.

Nasa 3,000 turista naman ang inilikas ng mga otoridad sa Lombok kung saan ang lugar na iyon ang labis na napinsala ng pagyanig.

Humihingi ng tulong ang pamahalaan ng Indonesia upang makakalap ng pagkain, malinis na inuming tubig, at gamot na kailangan ng mga nagsilikas na residente.

Sa datos ng mga otoridad, 1,477 katao ang lubhang nasugatan  sa lindol.

Inaasahan pang tataas ang bilang ng mga nasawi sa darating na mga araw, habang patuloy na isinasagawa ang search and rescue operations sa mga gumuhong bahay, paaralan, at moske.

 

===========

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *