Eiffel Tower nagpatay ng ilaw

Nagpatay ng ilaw ang Eiffel Tower bilang kanilang pakikidalamhati sa mga nasawi sa nangyaring mass shooting incident sa Las Vegas, at pananaksak sa port city ng Marseille sa France.

Ayon kay Paris Mayor Anne Hidalgo magdamag nilang hindi sisindihan ang pamosong tower bilang pagalala sa mga naging biktima ng malalgim na pagatake.

Magugunita na nasa 59 na ang patay habang higit 500 na ang sugatan matapos mamaril ang isang lalaki sa gitna ng music festival sa Mandalay Bay, Las Vegas sa Amerika.

Habang dalawang babae naman ang namatay matapos pinagsasaksak ng lalaki sa labas ng main train station sa pangalawang pinakamalaking siyudad sa France na Marseille.

Inako naman ng Islamic state ang pananaksak at pamamaril.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *