Japan, nag-deploy na ng kanilang patriot missile defense system bilang paghahanda sa posibleng missile test ng Nokor

Nagdeploy na ang Japan ng kanilang Patriot missile defense system kasunod ng banta ng North Korea na maglulunsad ng Ballistic missile sa US territory na Guam.

Posible umanong dumaan sa Japan ang nasabing missile bago bumagsak sa Guam.

Ayon sa report, idineploy ng defense ministry ang patriot advanced capability 3 system nila sa Shimane prefecture sa Shukogu region, Hiroshima at Kochi sa Western Japan.

Una nang nagbanta ang North Korea na posibleng daanan ng kanilang missile ang nabanggit na mga lugar sa Japan.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *