Mexico, niyanig ng 8.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 8.1 na lindol ang Southern Coast ng Mexico.

Sa ulat ng US Geological survey , natukoy ang epicenter ng lindol sa layong isang daang kilometro timog kanluran ng Pijijiapan .

May lalim ang lindol na tatlumput limang kilometro.

Dahil sa lakas ng pagyanig  nagpalabas ng tsunami warning sa Mexico, Guatemala, El Salvador, Costa Rica, Nicaragua, Panama at Honduras.

Samantala , nagpalabas na rin ng kahalintulad na babala ang Phivolcs sa ilang lugar sa Pilipinas.

Ulat ni: Marinell Ochoa

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *