Pananalasa ng Hurricane Harvey sa Texas, 3 na ang patay

Tatlo na ang kumpirmadong namatay sa pananalasa ng Category 4 Storm Hurricane Harvey sa Texas.

Sa ngayon, aabot na sa 300 mga residente ang nanunuluyan sa Red Cross shelter habang 300 libong kabahayan naman at mga gusali ang walang kuryente.

Binaha rin ang ilang mga kalsada sa Texas at natuklap ang mga bubong ng bahay at gusali.

Sa ngayon, bahagya nang humina ang Hurricane Harvey pero mabagal ang paggalaw nito.

Nananatili pa rin ang banta ng pagbaha, storm surge at tornado sa nasabing lugar.

Nauna nang nagbabala ang National Hurricane center na maaaring makaranas ng 13 talampakang storm surge at mapanalasang mga alon ang Hurricane Harvey na itinuturing na isa sa pinakamalakas ng bagyong tumama sa Amerika ngayong taon.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *