Taiwan, muling niyanig ng lindol, magnitude 5.7 naramdaman sa Eastern coast

Muling niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang Eastern coast ng Taiwan.

Ayon sa Taiwan government, naganap ang pagyanig pasado alas-onse kagabi malapit sa Hualien, ang unang tinamaan ng magnitude 6.4 na lindol.

Sa pagtaya ng US Geological survey, ang epicenter ng lindol ay nasa 21 kilometrong Northeast ng lunsod at ito ay may lalim na 11 kilometro.

Inaalam pa ng mga otoridad kung may mga nasirang mga gusali at nasawi sa pinakabagong lindol.

 

=== end ===

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *