US Embassy sa Jerusalem, pormal nang binuksan

                                            photo credit: foxnews.com

Pormal ng binuksan ang US Embassy sa Jerusalem.

Bagamat hindi nakadalo si US President Donald Trump ay nagpadala na lamang ito ng video message.

Sa kaniyang mensahe ay inulit nito na ang kapital ng Israel ay Jerusalem kaya inilipat niya ang US Embassy mula Tel Aviv.

Nanguna ang anak ni Trump na si Ivanka at manugang nito na si Jared Kushner at US Treasury Secretary Steve Mnuchin ang nag-unveil ng US Seal sa Consulate building.

Nanawagan si Kushner bilang Senior adviser ni Trump ng pagkakaisa.

Isinabay ang pagbubukas ng US Embassy sa pagdiriwang ng Jerusalem day.

 

===============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *