Acid attack sa Tokyo, dalawa sugatan

TOKYO, Japan (AFP) – Dalawa katao ang nasunog sa acid attack na naganap sa isang subway station sa Tokyo.

Ang suspek naman ay nakatakas.

Nangyari ang pag-atake sa Shirokane Takanawa station sa Tokyo, habang nagaganap ang opening ceremony ng Paralympics sa kapitolyo.

Ayon sa isang police spokesman, isa sa mga biktima na 22 anyos na negosyante, ay nagtamo ng sunog sa kaniyang mukha matapos siyang ispreyan ng asido ng suspek sa isang escalator.

Isang 34 anyos na babae naman ang nagkaroon ng minor burns sa kaniyang binti.

Ayon sa pulisya, ang middle-aged suspect ay hindi pa nahuhuli, kayat patuloy sila sa pagpapatrulya para madakip ito.

Bihira ang mararahas na krimen sa Japan na may mahigpit na gun laws, bagama’t paminsan-minsan ay may nangyayaring mga pag-atake na kinasasangkutan ng iba pang mga armas.

Agence France-Presse

Please follow and like us: