Active cases ng COVID-19 sa hanay ng medical frontliners below 100 na

Bumaba na sa 84 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng healthcare workers sa bansa.

Sa datos ng Department of Health, sa nasabing bilang ay 33 ang mild cases, 22 ang asymptomatic, 14 ang nasa moderate condition, 12 ang severe, at 3 ang kritikal.

Sa kabuuan, umabot na sa 28,584 ang kabuuang bilang ng healthcare workers na tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

Pero ayon sa DOH, nakarekober naman na ang 28,385 sa kanila.

May 115 naman ang nasawi.

Madz Moratillo

Please follow and like us: