Active cases ng COVID-19 sa Maynila nasa mahigit 300 na lamang

Bumaba na sa 334 na lamang ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Maynila.

Sa datos ng Manila Health Department, pinakarami sa mga active cases na ito ay naitala sa Sampaloc, Tondo 1 at Malate. 

Umabot naman na sa 24, 297 ang bilang ng mga residente na nakarekober na mula sa virus.

Mayroon namang 763 ang nasawi sa kabuuan dahil sa COVID-19.

Sa kabuuan, umabot na sa 25,394 ang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa Maynila.

Madz Moratillo

Please follow and like us: