Active cases ng Covid-19 sa mga health worker sa bansa, patuloy sa pagbaba

Patuloy pa rin sa pagbaba ang bilang ng aktibong kaso ng Covid-19 sa hanay ng mga healthcare worker sa bansa.

Sa datos ng Department of Health, hanggang nitong Oktubre 5, nasa 253 na lamang ang active cases ng Covid-19 sa hanay ng medical frontliners.

Sa bilang na ito, 123 ang mild, 77 ang asymptomatic, 22 ang nasa moderate condition, 22 ang severe at 9 ang kritikal.

Sa kabuuan, umabot na sa 25,824 ang naitalang COVID-19 cases sa hanay ng mga health worker sa bansa.

Mataas naman ang recovery rate sa kanila, kung saan ang 25,466 nakarekober na mula sa sakit.

Hindi na rin nadagdagan ang 105 na bilang ng mga nasawi.

Madz Moratillo

Please follow and like us: