Acts OFW Partylist nanawagan sa DFA na padaliin ang proseso ng pagkuha ng pasaporte

Umapela si Acts OFW Partylist Rep. John Bertiz sa Department of Foreign Affairs na padaliin ang proseso ng pagkuha ng pasaporte.

Ginawa ni Bertiz ang pahayag matapos ganap na maisabatas ang 10 taong validity ng passport.

Partikular na tinukoy ng Kongresista ang pagsaaayos ng  passport appointment system na nagpapahirap sa mga nais kumuha ng passport dahil sa napakatagal ng pagkuha ng appointment.

Umaasa naman si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Arroyo, may-akda din ng nasabing batas, na dahil sa pinahabang validity ng passport ay kasabay na maiaayos ang  karapatan sa pagbiyahe ng mga pilipino.

Ulat ni: Madelyn  Villar – Moratillo

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *