Adverse effects ng bakuna, nananatiling mababa

Kasabay ng nagpapatuloy na vaccination activity sa iba’t ibang ospital sa bansa…patuloy ring nakapagtatala ang Department of Health ng mga adverse event o negatibong epekto sa mga nabakunahan.

Ayon kay Health Usec Ma Rosario Vergeire, hanggang nitong Marso 9 ay may 978 adverse events silang naitala.

Pero sa bilang na ito, 21 lang aniya ang maituturing na seryoso.

Sa 978 adverse events na ito, 892 ang sa Sinovac.

Ang 872 rito ay non serious habang 20 naman ang seryoso.

Sa Astrazeneca naman ay 86 adverse events ang naitala kung saan isa lang ang seryoso.

Ipinaliwanag naman ni Vergeire na ang ang sinasabi nilang non serious events ay iyong mga nakaranas ng epekto na karaniwan sa isang binakunahan.

Sa datos ng DOH nasa 101,827 healthcare workers na ang nabakunahan ng CoronaVac ng Sinovac .

Habang 12,788 naman ng Astrazeneca vaccine.

Madz Moratillo

Please follow and like us: