AFP kumpiyansang bibigay na ang Maute group sa lalong madaling panahon

download
courtesy of wikipedia.org

Kumpiyansa ang militar na bibigay na sa lalong madaling panahon ang Maute group na kumubkob sa Marawi City.

Ayon kay Brig. General Restituto Padilla, Spokesman ng Armed Forces of the Philippines malaki na ang nabawas sa kakayahan ng Maute group.

Isa aniyang patunay rito ang pagkaka-recover nila sa daan daang matataas na kalibre ng baril mula sa grupo.

Samantala, itinuturing pa lamang ng militar na pawang hilaw na impormasyon ang ulat na patay na ang mga lider na Maute group.

Magpapalabas lamang aniya sila ng kumpirmasyon sa pagkamatay nina Omar, Abdulla at Oto Maute kapag nakakuha sila ng matibay na ebidensya.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *