AFP pinaalalahanan ang kanilang mga tauhan na manatiling propersyunal sa harap ng mainit na usapin sa pulitika

Muling pinaalalahanan ng Armed Forces of the Philippine ang kanilang mga sundalo na manatiling propesyunal sa ginta ng mainit na usapin sa pulitika
Sa harap na rin ito ng mga post sa social media ng mga nagpapakilalang sundalo, na tumututol sa pag-aresto noong nakaraang linggo kay dating pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, mayroon silang Grievance Committee na syang tamang lugar sa paghahayag ng saloobin ng mga sundalo.

AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla
Sa kabila nito, lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na wala pa silang nabeberipika na ang mga social media account ay tunay na pag-aari ng mga sundalo.
Wala pa ring natatanggap na pormal na report ang AFP kaugnay sa mga sundalo na nagreresign sa serbisyo.
Ayon kay Col. Padilla, may tamang proseso ng pagbibitiw sa serbisyo at hindi ito ginagawa sa social media.
Nanawagan din si Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad sa mga sundalo, na manatiling tapat sa kanilang mandato at huwag magpa-apekto sa mga intriga na layong pahinain ang kanilang chain of command.
Sa harap ito ng posibilidad na sakyan ng iba’t ibang mga bansa ang usapin ng pulitika, upang pahinain at sirain ang pagkakaisa ng hukbong sandatahan.
Mar Gabriel