Agriculture USEC Bernadette Romulo-Puyat, itinalaga bilang bagong Tourism secretary

May bago nang kalihim ang department of tourism o dot.

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte  sa binakanteng posisyon ni dating Tourism Secretary Wanda Teo si Agriculture Undersecretary Bernadette Romulo-Puyat.

Wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang Malakanyang sa bagong appointment ni Puyat.

Kabilang si Puyat sa ilang mga opisyal na madalas kasama sa pag-iikot sa mga lalawigan ng Pangulo.

Matatandaang kahapon ay tinanggap ng Pangulo ang pagbibitiw sa puwesto ni Teo matapos ang kontrobersiyal na 60 million pesos Ads Placement sa programa ng kanyang mga kapatid sa PTV-4.

Ngayong araw ay inaasahang magbibigay ng pahayag ang Malakayanghingil sa paghirang kay Puyat sa DOT.

 

============

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *