Aktibong kaso ng Covid-19 sa Biñan City sa Laguna, mahigit 60 na lang

Aabot na lamang 64 ang bilang ng aktibong kaso ng Covid-19 sa Biñan City, Laguna.

Sa pinakahuling datos ng City Health Office, nakapagtala ng 11 bagong gumaling na pasyente mula sa sakit o kabuuan, 1,655 na recoveries.

Wala na ring aktibong kaso ng virus sa anim na Barangay at sa BJMP ng Biñan.

Sa kabuuan ay 1,769 ang kumpirmadong nahawahan ng virus sa lungsod habang 50 ang pumanaw.

Patuloy na pinapaalala ng otoridad ang pagsunod sa mga minimum health protocols gaya ng paghuhugas ng kamay, physical distancing at pagsusuot ng face mask para maiwasan na mahawahan o kumalat ang virus.

Moira Encina

Please follow and like us: