Aktibong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON, lagpas na sa 16,000

Umakyat na sa mahigit 16,000 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON.

Ayon sa pinakahuling datos ng DOH Center for Health Development-CALABARZON, kabuuang 16,297 ang active cases ng virus sa rehiyon nitong Agosto 11.

Ito ay makaraang madagdagan ng 1,545 bagong kaso ng COVID at 834 bagong gumaling na pasyente ang Region IV-A.

Sa kabuuan ay 220,318 ang nagpositibo sa sakit sa rehiyon mula noong nakaraang taon habang 197,379 ang nakarekober.

Nakapagtala naman ng 55 bagong pumanaw na COVID patients kaya 6,642 na ang namatay bunsod ng virus sa CALABARZON.

Moira Encina

Please follow and like us: