Aktibong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON, umaabot na sa halos 45,000

Tumaas sa halos 45,000 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON.

Sa pinakahuling tala ng DOH CALABARZON, nadagdagan ng bagong 2,805 COVID patients ang rehiyon.

Dahil dito, umakyat na sa 294,064 ang kabuuang kumpirmadong nagpositibo sa sakit sa Region IV-A.

Mula naman sa nasabing bilang, 44,906 ang active cases habang 240,695 ang kabuuang gumaling at 8,417 pasyente ang pumanaw sa rehiyon

Kabilang dito ang bagong gumaling na 1,707 at ang 46 pasyente na bagong namatay dahil sa virus.

Moira Encina

Please follow and like us: