Aktibong kaso ng Covid-19 sa hanay ng mga Medical frontliner, patuloy na bumababa

Bumaba na sa 119 ang bilang ng mga aktibong kaso ng Covid-19 sa hanay ng mga Medical frontliner.

Sa datos ng Department of Health (DOH), sa nasabing bilang ay 63 ang mild, 20 ang asymptomatic, 20 ang nasa severe condition, 9 ang critical at 7 ang nasa moderate condition.

Sa kabuuan, aabot na sa 18,537 ang bilang ng mga health worker na tinamaan ng Covid-19.

Pinakamarami rito ay mga nurse, sinundan ng mga doktor at nursing assistant.

Umabot naman sa 18,324 ang bilang ng mga nakarekober mula sa Covid-19.

Nanatili namang nasa 94 at hindi naragdagan ang bilang ng mga nasawi.

Madz Moratillo

Please follow and like us: