Aktibong kaso ng Covid-19 sa Laguna, mahigit 2,000 na lang

Aabot na lamang sa mahigit 2,000 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa Laguna.

Sa pinakahuling bulletin ng Laguna Provincial Health Office, nakasaad na mula sa mahigit 12,000 kumpirmadong kaso ng Covid ay kabuuang 2,259 na lamang ang mga pasyenteng ginagamot o nagpapagaling pa mula sa sakit.

Ito ay matapos makarekober na sa Covid ang 10,271 na nahawahan ng virus sa Laguna.

May naitala namang 238 na pumanaw dahil sa Covid sa probinsya.

Ang Calamba City ang may pinakamaraming kumpirmadong kaso sa Laguna na 3,022, pero 538 na lang ang aktibo.

Moira Encina

Please follow and like us: